Mga Haligi ng Bansa
Last updated
Last updated
Pamamahala, ekonomiya, edukasyon, teknolohiya, kultura, at kakayahang umangkop – ang tinutukoy natin bilang Mga Haligi ng Bansa, o ang mga pangunahing elemento ng Game7.
Ang mga mamamayan ang dugong-buhay ng alinmang matagumpay na bansa. Sa Game7, ang Mamamayan ay ang sinumang miyembro na nagpakita ng aktibong mga kontribusyon ng oras, kasanayan, o pagsisikap sa ecosystem. Ang scale flywheel ng bansa ay itinatag sa mga mamamayan ng G7 na binubuo ng DAO (mga sistemang pamamahala at pang-ekonomiya), mga laro(nilalaman at pangunahing driver na pang-ekonomiya), at teknolohiya (mga digital na logistic at utility).
Mga Mamamayan: Naakit ang mga Mamamayan sa Game7 dahil sa natatanging pagsasama ng paglalaro, teknolohiya at impluwensiya.
Pakikilahok: Aktibong nakikilahok ang mga Mamamayan sa pagdedesisyon, paglalagak ng mga pinagkukunan sa mga laro at pagsusulong ng teknolohiya na itinuturing nilang pinakamahalaga.
Pagbabago: Ang resulta ng mga pagbabago sa teknolohiya ay nagpapaganda sa mga karanasan sa laro, nagpapalawak sa naaabot na madla, nagpapahusay sa pagpapanatili ng manlalaro, at pinapahusay ang mga ekonomiya sa laro.
Halaga: Ang mga larong binuo gamit ang teknolohiya ng ecosystem ay nagbibigay ng mga bagong karanasan at lumilikha ng halaga, na pantay na ipinamamahagi pabalik sa mga mamamayan batay sa merit, na nagpapatibay sa ecosystem.
Pakikibahagi: Aktibong nakikihabagi ang mga mamamayan sa pamamagitan ng pag-bootstrap sa mga komunidad ng laro, paglalaro, at pakikilahok sa mga ekonomiya sa laro, pagbabahagi sa pag-unlad na kanilang nilikha.
Pag-unlad: Nagsisilbi ang modelong ito batay sa merit para makahikayat ng dagdag na talento upang bumuo ng mga laro at teknolohiya, na nakakahatak naman ng mas maraming mamamayan.