Noong October 2021 ang Game7 ay isa lamang ideya, na nagmula sa sama-samang pananaw ng mga developer ng laro at mga taong interesado sa onchain at ang pangako ng kung ano ang maitatatag natin nang magkakasama.
Ang ating paglalakbay mula sa nabuong ideya tungo sa isang pandaigdigang kilusan ay nagpapakita ng kapangyarihan ng ideyang ito at ang lakas ng ating komunidad. Patuloy na umuunlad ang Game7, na pinapakilos ng ating pangako na lubusang baguhin ang interseksyon ng paglalaroi at teknolohiya ng onchain.
Sa loob lamang ng ilang taon, nakamit ng Game7 ang maraming mahahalagang milestone:
🌟 Nakapagtatag tayo ng komunidad ng 250,000+ Beripikadong Mamamayan, na ang bawat isa ay nagdadagdag ng kanilang natatanging boses sa ating digital na bansa.
🎮 Nakibahagi ang ating mga manlalaro sa 4,000,000+ Player Quest Action, na nagbibigay-buhay sa ating mundo.
💳 Nakita natin ang 500,000+ Wallet na Konektado, isang testamento sa tiwalang nakalagak sa ating ecosystem.
💰 Naipamahagi natin ang $1,000,000+ sa mga Reward sa mga aktibong mamamayan para sa kanilang kontribusyon na oras, pagsisikap, at kasanayan.
🏆 Ipinagmamalaki ngayon ng ating bansa ang 125+ Laro sa Ecosystem, na ang bawat isa ay bagong pakikipagsapalaran na naghihintay na matuklas.
🤝 Pinapagana tayo ng 100+ Pangunahing Kontribyutor, ang tumitibok na puso ng ating pagbabago at pag-unlad.
Bagaman kapansin-pansin ang mga tagumpay na ito sa ngayon, paghahanda lamang ang mga ito para sa ating mapaghangad na hinaharap. Ang mabilis na pag-unlad at kahanga-hangang mga metrika ng Game7 ay hindi ang hangganan, kundi mga milestone sa ating paglalakbay upang baguhin ang paglalaro sa kabuuan.
Habang papalapit tayo tungo sa ating layunin na pagtatatag ng unang digital na bansa sa paglalaro, inimbitahan natin ang mga innovator, manlalaro, at mga visionary na sumali sa ating pagpupunyagi para sa pagbabagong ito.
Ang Game7 ay hindi lamang isang platform o komunidad—ito ang pambungad sa bagong digital na panahon.